21 March 2015

Nostalgic About Sampaloc

Reflection on Alexander T. Magno's essay in CNN Philippines

Nostalgia.... 

Though the author must be older than me, I was also born, grew up, and studied in the same area in Sampaloc, Manila. I could relate very much to his memories — the sights, sounds, smell, and feel — of the streets of Sampaloc. I noticed, tasted, and experienced all of these with fondness in the '80s and '90s.

Source: CNN Philippines
Ang hindi niya lang yata nabanggit na gustong-gusto ko na tinda ng mga mang/kuya/manong at ale/ate/manang ay iyong lumpiang sariwa (matamis o maanghang, pero pili ko lagi halo); ice candy / ice buko / ice munggo; "merienda, merienda"; puto't kutsinta; palitaw; turon / banana q / maruya / kamote q; "carioca, carioca"; "siomai, siomai" nung intsik na napakasipag; okoy; mami / goto / lugaw; sinegwelas / duhat; one-day-old na puwedeng may pait o tanggal pait; iskrambol; samalamig / palamig / sago't gulaman; yakult; cotton candy; sundot kulangot; buli-buli.

Pati iyong "special offer, special offer". May mga naglalako rin sa kalsada na naka-kariton ng mga isda, karne at gulay. 

May nag-aalok din ng "sampaguita, sampaguita". May mga teks, turumpo, sumpit, jolen, sipa, at iba't iba pang mga laruang plastik.

Meron din iyong parenta o arkila ng game-and-watch, at iyong nakalimutan ko na tawag - iyong sisilipin mo at makakikita ka ng film o mga larawan.

Magaganda rin ang mga side car noon, mapoporma, may mga design, at sound system pa.

Pag-piyesta, meron din iyong dice ("green" ang lagi kong tinatayaan o depende kung ano iyong nasa kulay sa taas ng gitna na pangalawa sa tatlong dice), roleta, at iba pang tayaan.

Meron ding mga bunot-laruan, iyong pabunot na itutubog sa tubig iyong papel at may numero o hugis na lilitaw sa papel. At siyempre, iyong may tindang mga salagubang, sisiw, bibe, mayang makukulay, kalapati, at iba't iba pang mga insekto.

Kayo? Ano pa ba? 
grin emoticon

No comments: