Noypi tayo, astig!
Laban Noypi! Panahon na naman ng bayanihan, pakikipagkapwa-tao, at diskarte. Pinoy tayo!
" Ang dami mong problema, nakuha mo pang ngumiti.Noypi ka nga, astig!
Saan ka man naroroon, huwag kang matatakot...
Sabi nila may anting-anting ako pero hindi ni alam na Diyos ang dahilan ko ...
Buo aking loob
May agimat ang dugo ko! "
Buhay Sampaloc
Dito sa tapat ng USTe ako ipinanganak at lumaki! Sanay sa baha at sa marami pang iba. Sa 30 taon gumanda na rin ang ilaw at kalsada ng EspaƱa, kaso sa 30 taon na ito pa-grabe nang pa-grabe naman ang baha. Ito ay sa kabila na kahit pa mula nung elementary ako ang mga sikat na proyekto ng mga pulitiko sa Manila City Hall man o barangay ay "clean and green" (kasama ng "peace and order"), at sa school naman ay ang mga sikat na organisasyon ay patungkol sa kalikasan gaya ng 'Earth Lovers' at 'Green Brigade' (kasama ng mga Boy and Girl Scouts).
Sana makita at mapagtanto natin bilang mga mamamayan, at ng mga namumuno sa mga komunidad at gobyerno, ang mensahe at oportunidad para sa pagbabago sa panahon nitong krisis. Makiramdam, at ibalik ang respeto, sa kalikasan. Paghusayan ang mga proyekto para sa kalikasan at kapaligiran, kasama na rito ang pagbubuo ng mga alternatibong pamamaraan ng pamumuhay at pag-organisa ng mga komunidad.
No comments:
Post a Comment